Saturday 12 May 2012

Para sa Nanay ko, Nanay mo, at sa ating mga Nanay ^_^



Sabi nila…
  • Regardless of whether you are famous or not, you will never have a bigger fan than your mother. (Linda Poindexter) totoo
  • Love is blind because "My mother started loving me before seeing my face"  
  • You will never how much your parents’ worth till you become a parent. – totoopero may mga pagkakataon na kahit di ka pa isang magulang alam mo na kung ano ang halaga nila .

Ang dami mong dapat isakripisyo kapag babae ka para sa pamilya, kapag ka naging asawa ka ^_^ At lalo na kapag naging nanay ka na… Ang pamilya mo, ang karera mo, at minsan ang sarili mong (mga) pangarap…

Sabi nila madali lang maging house wife… Pagkagising sa umaga, luto dito, mag-aasikaso sa mga anak at kay mister, laba, plantsa, pagtatahi, mamamalengke, linis … Pagkauwi ng mister at mga bata uulitin na naman luto, linis, paminsan minsang hugas ng pinagkainan, sasagot sa mga tanong ng mga chikiting… At pagkatapos ng isang buong araw, sya pa din ang huling mamamahinga at kinabukasan ay unang gigising.

Napakahirap din naman kapag working mom ka, kahit may yaya o kaya naman’y may kasambahay ka… Pagkatapos ng maghapong trabaho, aasikasuhin mo din ang pamilya mo…Baon ng mga bata, baon ni mister, damit ni mister, assignments, projects, uniforms ng mga bata. At kinabukasan, parang “press rewind” ang tema…

Ganun din kapag single mom ka, mapa kasama mo mga magulang mo, may kasambahay o yaya ka ^_^ Ikaw na magbubudget ng lahat, mag-aasikaso at magtatrabaho, kailangan mo pang sagutin ang mga katanungan ng mga bata na “bakit” na di mo na alam kung paano… Paanong every other day, week, month, year eh kailangan mo itong sagutin…

Katulad din kapag ikaw ay isang ina na nangangamuhan sa ibang bansa malayo sa anak, or sa buong pamilya. Gigising sa umaga, papasok sa trabaho, uuwi, matutulog at kinabukasan ay ganun na naman ang routine mo. Twing biyernes/sabado/linggo na off mo ay makikipagchat, tatawag, makikipag tawanan, kwentuhan, harutan, sa mga minamahal at pagkatapos iiyak (inarte lang kung minsan) matutulog at kinabukasan ay sasabak na naman sa realidad na kailangan mong magtrabaho para sa pamilya mong sanay abot kamay lang.

A mother (or mum/mom) is a woman who has raised a child, given birth to a child, and/or supplied the ovum that united with a sperm which grew into a child. Because of the complexity and differences of a mother's social, cultural, and religious definitions and roles, it is challenging to specify a universally acceptable definition for the term (Wikipedia)


My mom held me in her stomach for 9 months,
 she watched her feet swell, she struggled to climb stairs,
she got breathless quick, and she suffered many sleepless nights.
She loved me despite what I've done to her; she became my nurse, my chef,
my teacher and my friend. She struggled for me.
 While most of us take our mom for granted, there are people who have never seen theirs.
Hay…

Yung iba (katulad ko) di naisip sa umpisa kung ano bang responsibilidad ang pinasok, biglaan kasi ^_^ Merong iba na ang tagal tagal ng pinaghahandaan at ng dumating ay parang di pa rin alam kung paano sisimulan at kung anong gagawin ^_^  

Sa bawat dagdag kasi ng taon ng bata, iba iba ang mga takot, mga kaba, saya na mararamdaman, excitement mo eh…  Andyang sana wag syang madapa, andyang pahirapan kayo sa pagpapakain, andyang titirintasan ka/tatalian/susuklayan kahit sa sa huli nabuhol na ang suklay sa buhok mo, at masabunutan ang pagod mong ulo…  

Dadating sa panahon na sana walang magbully sa kanya sa school, sana wag akong patawagin ni “ms.” dahil napakadaldal nya, o kaya ay iisipin mo kung ano na naman kayang kalokohang ginawa nya, sana magaganda ang mga gradesa… Tapos andyan na yung dapat wag ka muna magpaligaw, sana wag syang masydong maging layas, sana maipakilala na nya yung nililigawan nya... 

At sa susunod na nyan hay sana wala silang gaanong pag-awayang mag-asawa, sana makayanan nya lahat ng pagdadaanan pa nila bilang magulang at bilang asawa...

“Mom, for all the times I didn’t thank you either because
I was too young to too busy or just didn’t find the words,
Today I thank you for all you’ve done for me.
Now that I’m older, I realize more and more everything you did,
Everything you gave, and most important, everything you stand for and
I love you and thank you with all of my grateful heart.”
Paikot ikot lang, kung paano ang kaba, takot, saya na naramdaman mo nuon ganun din pagdating sa huli, walang katapusan. Walang tamang timpla, perpektong plano, walang eksaktong paraan kung paano maging isang ina, paano maging isang magulang. Bawat bata, anak iba iba, walang dalawang bata na magkatulad ng ugali at gusto. 


At dahil dyan, sa hirap na yan CLAP CLAP CLAP sa lahat ng Mama, Ina, Nanay, Ima, Mudra, Ermat, Mum, Mommy  ^_^

Salamat sa LAHAT, sa palo, sa kurot, sa yakap, sa palagi mong pagsasabing maganda/gwapo ako, sa pagsasabing “OK lang yan anak, sa susunod galingan mo pa (twing mababa ang grade ko), sa pagsasabing "KAYA MO YAN", sa pagaasikaso mo sa mga kaibigan, kabarkada, kaklase ko, sa mga tawa mo sa corny na jokes ko, sa pakikinig mo, sa mga ngiti, sa atensyon, sa luha, sa pag-aaruga, sa pag-intindi, sa pangaral, sa lakas ng loob, sa halik, sa atensyon, sa paninindigan mong buhayin ako, sa lakas na binibigay mo kapag hinang hina na ako, sa buhay, at sa walang hanggan, walang katapusan mong pagmamahal para sa akin, sa mga kapatid ko at sa papa/tatay ko… SALAMAT SUPERMOM!!!

At sa aking mama, Ginang Leonisa Alnas Y Mutas, MALIGAYANG KAARAWAN at Maligayang Araw ng mga Ina...  Ma maraming maraming salamat sa lahat, sa dami di ko na maisulat dito eh,  di ko man kailan man kayang suklian ang lahat ng yan, pero lahat gagawin ko para maramdaman mo kung gaano kita, ka namin nina Allen, Kim at Ken kamahal… Alam ko naman kasi na si Istong lagi, araw araw na pinadadama na mahal ka...  Utang ko sayo, sa inyo ni Papa at syempre kay Lord ang buhay ko, at ang lahat lahat as in LAHAT… Salamat sa walang katapusang pagmamahal. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, kayo ni Papa...

  •  The greatest thing she'd learned over the years is that there's no way to be a perfect mother, but a million ways to be a good one.
  •  Be a giver not an acquirer, especially with your parents. There is a lot to give, besides money. COZ MONEY IS THE WORST WAY OF MEASURING HAPPINESS...

Ulit, sa lahat ng Nanay, Happy Mothers Day! Cheers!

Saturday 25 June 2011

Malaya ka Pilipino, malaya nga ba?!?!

Weeks ago nakita ko sa facebook page ng Illustrado Magazine that there will be a celebration of our 113th Independence Day here in Dubai, at nito ngang nakaraang Biyernes, June 11, 2011 sa AL Shahbab Sports CLub sa Deira Dubai, U.A.E. ay naganap ang paggunita ng Araw ng Kalayaan nating mga Pinoy.

Nung una ang nasa isip ko ay ang mga pagdiriwang na ito dito sa abroad ay isa lamang aksaya ng panahon, para bang kung wala kang magawa sa araw na yun eh punta ka nalang sa mga pagtitipong tulad nito pampalipas ng oras, partly masasabi kong bago ako umattend nito yun lang talaga ang nasa isip ko dahil nga gusto kong maging okupado ang isip ko ng ibang bagay para makalimutan panandalian ang mga personal kong problema. But to my surprise SOBRA akong naging masaya ^_^ bakit ka mo?!?! marami din kasing pinoy na dumalo dun.

 Although malamang eh karamihan dahil sa freebies(ako din), sa job fair lang ata, pero mayron ding iba dahil lang sa andun din ung mga org nila or samahan. Pero marami pa ding Pinoy, at kung ano man ang dahilan kung bakit sila andun pero pinilit nilang makapunta dun kahit na ang tanging pahinga lng nila sa buong linggo ng pagttrabaho eh ang Biyernes. May mga nakita, nakilala, nakain, nakuha ako duon na iba't iba ang dahilan kaya napangiti nila ako.

Baton girls - naalala ko ang kabataan ko ^_^ dati din kasi akong baton girl so I cant help my self staring at them maybe for 15 mins or so at may mga pasulyap sulyap hanggang makauwi sila, nakakatuwa talaga. Hehehe. Memories.Katatuwa!!!

Cultural Dances - syempre alaala na naman ng lumipas, hehehe. Madalas din kasi akong napapasali sa mga presentations, school programs at inter school competitions para sa pagsayaw :) At isa pala sa mga nagulumihannan ako ay ang kantang Dayang Dayang. Dayang Dayang is a Filipino Muslim dance na sinasayaw kadalasan kapag may mga kasal para sa mga kapatid nating Muslim. While this song was playing there are students na nagsasayaw sa celebration ng Philippine Independence Day at may mga Pilipino Muslims na ngsasabit ng pera sa mga kabataang ito habang ngsasayaw. Actually there is a girl named Hadji Dayang Dayang Piandao who is Muslim Princess in Mindanao. Dayang Dayang is a title given to a princess of the first degree" http://suluprincess.blogspot.com/

Food!!! - Syempre ang pmga pagkain dun, hehehe, ang daming mga free taste :) at ang unlimited teas ng Alzookhay Tea (hindi ko mahanap kung tama ba ang spelling) ^_^ at ang Nestle Iced Coffee. Meron ding Food for a Cause (cupcakes) para sa kabayan natin na may sakit.

Artista ^_^  si Akihiro Sato, Aubrey Miles at Aira Bermudez ang mga umattend na nung araw na yun. Nagkaroon ng technical glitch nung kakanta na dapat si Aubrey kaya si Aira muna ang pinasayaw, pagkatapos si Akihiro ang kumanta (habang kumakanta nakikitili at kaway ako, kaloka OFW na OFW kakatuwa) at yun na nga kumanta na din si Aubrey.

Prayers - may Muslim, Christian (Born Again) at Catholic prayers din pero may isa dun n parang ndi pinaghandaan or hindi bukal sa loob ung dasal nung isa sa mga nabanggit ^_^ "what to do" ika nga.

Nakakatuwa ang experience na iyon dahil may mga nakilala akong bagong tao, nalaman ko na talagang TULUNGAN pa rin ang mga Pilipino maski sa abroad, libre kasi ang sound system nung araw na yun at malaking halaga din daw ang nasave dahil nga nagtitipid ang main organizer nun PINOY TALAGA ^_^

Thursday 23 June 2011

Luv is 4-EveR


ILoveYou!!!

***
Do you know that "Love is FOREVER"
B'coz "Love does not die, people do".
...So always remember "ILoveYou"
I will always and forever LoveYou :)

Monday 6 June 2011

pers tym mo?!

Kapamilya, Kapatid, Kapuso, Kadugo...
Kaechusan, Kalahi, Katrabaho, Kalaro...
naaalala mo pa ba ang unang beses mong...
-pumasok sa paaralan? Nursery? Preschool?
-magkaroon ng bagong BarbiE/SpiderMan/Batman/BabyDoll?
-Makapunta sa Beach? sa (eco)Park? sa airport ☺
-Magka-crush?maka-tanggap ng love letter? ng bulaklak? ♥
-Magkaboyfriend? girlfriend? special someone ☺
-Maging heartbroken?magbalik single?

Hay ang pagbabalik tanaw nga naman sa nakaraan ^_^
May mga masasaya, exciting phase at nakakalungkot na punto.
Nagbibigay ng ngiti, ng lungkot at sakit sa ating mga labi/puso.
Eto nga ang LIFE nilang sinasabi.
Akala ko nuon joke lang, echoz lang ba,
Pero naman ang MEAN ng buhay ^_^
Kung kelan sobrang saya ka na, bigla namang mawawala.

Ang buhay pala talaga ay parang nagsusugal ka.
Jueteng/Jai Alai/Poker ♥ ♦ ♣ ♠
Minsan panalo, madalas talo ☺ ☻
Pero magkaganun man, kailangan sayawan mo ♪♫
Kasi kung tutunganga ka, eemote eh HALLER!
Anong mangyayari sa buhay mo!

LIFE MUST GO ON! Yun daw un :)
Di porket nadapa ka, or nanalo ka eh YUN NA!
Kailangan mo pa ring pagbutihin,
Kung naging maganda ang kalagayan mo sa buhay.
At kailangan mo pang lalong pagbutihin,
Kung natalo ka, tawanan at galingan pa.

Kaya ako kahit heartbroken :( LIFE MUST GO ON nga eh diba!
KEBER dapat ang sakit ^_^ Hindi naman pwedeng magmukmok.

Pwede ba! Echusera ^_^
Perstaym ko ba!